Nung isang gabi habang ako'y nag iinternet at kausap si Ian, biglan na lang ako napahiyaw dahil mag humawak sa gilid ng aking balikat akala ko si Ian subalit napakalayo nya sakin para ako'y maabot nya. Imahinasyon ko ba nanaman ito o totoo na.. pangalawang beses na nangyari ito at ngayon may kasama ako.Kinakabahan ako sa mga nangyayari di lang sa panaginip ako nagagambala.
At eto binangugot nanaman ako sumisigaw dahil nakikita ko si Ian na nag-iinternet pero meron shang Babaing katabi di ko man nakikita ang mukha pero naka blusa ang babae, pilit kong inaabot ang kamay ni Ian kaso di ko maabot nag wawala na ako para magising ako subalit di nanaman ako makagalaw, nanalanging magising di ko matapos ang akin dasal parang may pumupigildi umaalis ang babae sa gitna namin parang hinaharangan nya ako. Natatakot pero nilakasan ko ang akin loob pilit parin abutin ang kamay ni Ian ng maabot ko yun dulo lang ng daliri nya ang nahahawakan ko at di parin nya ako pinapansin alam kong tulog pa ko kaya pinilit ko ang ankin katawan na bumangon na hindi ko binibitawan ang kamay nya. Nagising ako na parang nalaglag sa hinihigaan at nilapitan ako ni Ian para ako'y gisingin, hinihingal sa kaba at nagpasalamat at nagising.
Natulog na may Rosaryong nakasukbit sa kamay akala ko tapos na di pa pala. Madilim ang paligid at di nanaman ako makagalaw wala akong makita di ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari pilit gumigising sumisigaw bakasakaling marinig kasabay ng pagdarasal, Buti na lang umuungol na pala ako at nagising Ian para ako'y gisingin.
Hanggang kailan ako ganito di madalas na may kasama sa pagtulog, papano na ako pag ako'y nag iisa kakayanin ko ba? Dati nakakatulog na patay lahat ng ilaw at tahimik ang paligid, ngayon kailangan ng liwanag at ingay ng musika rosaryo sa kamay at dasal sa ilalim ng unan. Minsan di na epektibo ang mga ginagawa ko...
Lord thank you and give me more faith... Help me.
Sabi ni Aning
Monday, November 22, 2010
Wednesday, November 10, 2010
Paranoid?
Di makatulog... Lalo na ngayon nag iisa, naiisip ko ang nagyari kaninang hapon di ko maisip kung pano o imahinasyon ko lang pero may humipan sa batok ko at naramdaman ko ang ibang hibla ng buhok ko na gumalaw sa pagkakaihip ano yun pano ko maipapaliwanag ni walang nakakita sa akin. Pano ako makakatulog ng di nag iisip kung ano ang mangyayari sa panaginip ko. Balisa inaaliw ang sarili sa internet paano pagnapagod na ko at gusto na matulog.
Lord bigyan mo po ko ng lakas ng loob na lampasan ang mga nagyayari sakin, pinapaubaya ko sa inyo lahat... Kayo na po ang bahala sa akin.
Lord give me more faith...
Lord bigyan mo po ko ng lakas ng loob na lampasan ang mga nagyayari sakin, pinapaubaya ko sa inyo lahat... Kayo na po ang bahala sa akin.
Lord give me more faith...
Tuesday, November 9, 2010
Saan ako pupunta?
Nanaginip nanaman ako, pupunta daw ako sa libing at madami akong nakitang kamag-anak, ako ang magmamaneho ng sasakyan habang inaantay ko ang mga sasakay pinagmamasdan ko lang ang mga tao sumakay na ang aking mga pasahero ang Tatay ko, si Lola Paring at si Lola Luming, may iba pang kasama pero di ko kilala, paandar na kami ng mamataan ko pa sila Tito Boy at Tita Mila. Sabi ni Tatay alis na kami... nasa daan na kami ng malagpasan ko ang dapat na lilikuan ko, sabi sakin ni tatay wagka mag alala may alam akong daan. Nagiba ang scene nasa taas kami ng fly over at may pinahawak sha saking lubid tumingin ako sa baba parang malalim na tubig sabi ko natatakot ako tay sabi nya sha daw bahala sakin di daw nya ako bibitawan. Iniisip ko kaya ba nila lola ang gagawin ko kc matatanda na sila at bakit ako ang una? Tumalon na ko malapit na ko sa tubig nagising ako...
Ano ibig sabihin ng panaginip kong ito, alam ko sa isip ko na pupunta kaming libing, libing nino? at saan ako pupunta gamit ang lubid.
Lord help me.
Ano ibig sabihin ng panaginip kong ito, alam ko sa isip ko na pupunta kaming libing, libing nino? at saan ako pupunta gamit ang lubid.
Lord help me.
Di ka na Anino
Anong meron ako at anong meron ka para magkita tayo sa panaginip ko? Imahinasyon ko lang ba ito o isa kang totoo? Dati isa ka lang anino na pagala gala sa panaginip ko, ano ba ang kailangan mo sakin? ikaw ba at ang anino ay iisa? Bakit ka nakatayo sa gilid ko habang natutulog ako? Minsan naman nakaupo sa ulunan ko? Binabantayan mo ba ko? May atraso ba ako sayo? Sana lang maglaho ka na... Di kita kailangan meron na akong Diyos na nagbabantay sa akin at sha lang ang sasambahin ko.
Lord help me...
Lord help me...
Tuesday, October 26, 2010
Tungkol sa Bangungot
May naniniwala bang may namamatay sa Bangungot? Sabagay may mga nakakapagkwento na sakin na namatay sa bangungot. Sabi nila mas madalas magyari ito sa mga lalaki at madalang lang sa babae. Noon ang matatanda pag binabangungot daw ang isang tao ay sinasaniban daw ito o kaya kinukuha ng kakaibang elemento ang kaluluwa at nauuwi sa pagkamatay. Sa siyensya naman sakit sa puso ang dahilan, may tawag pa sila sa sakit na ito SUDS ( Sudden Unexpected Death Syndrome) bawal matulog agad pagkatapos kumain, uminum ng maraming tubig bago matulog. At kung ano ano pang dapat gawin.
Nagtataka kayo siguro kung bakit ko nasulat ito, isa kasi ako sa madalas bangungutin sa di malaman dahilan. Mahirap kasi di mo alam kung magigising ka pa, nakakatakot din dahil wala kang magawa. Madalas kong ikwento sa pamilya't kaibigan ko ang nagyayari sa bangungot ko para maibsan man lang ang takot ko. Minsan nga ayoko matulog lalo na pag mag-isa. Iniisip ko na babangungutin nanaman ako. Wala rin pinipiling oras ang bangungot kasi kahit umaga, hapon o gabi nagyayari sakin yun. May kasama man ako o wala.
Pano nga ba malalaman kung binabangungot ka? Sakin kasi yung akala mong gising ka di na pala kasi kung ano ang pwesto mo sa pag kakahiga mo ng gising ka pa eh ganun din ang makikita mo sa bangungot. Ako alam ko na kung binabangungot na ko o hindi, madalas hindi ako makagalaw, at kahit anong sigaw mo walang nakakarinig sa iyo. Pag nagising ka akala mo napakahaba na ang naganap pero sa realidad eh minuto ka pa lang pala nakakatulog.
Medyo nakakatakot na sakin kc may mga nakikita ako kakaiba lalo na ang mga anino, di man maniwala ang iba ayos lang mashare ko lang sa inyo ang mga ito, anyway yung mga anino nga na nakikita ko, minsan humihila sa paa ko, nakadagan sa mukha ko, nasa kisame o kaya palakad lakad. Minsan din nakikita ko ang sarili ko na nakahiga, o kaya lumilipad ako kung saan at nasa ibang lugar.
Saka ko na ikwento ang mga bangungot ko napapatingin ako sa likod ko habang sinusulat ito eh...
Thank you for your time.

Subok
Sa gitna ng pagkabagot at pag titig sa kisame madaming sumagi sa isipan ko. Mga bagay at pangyayari sa buhay ko na gusto kong may pagsabihan. Oo madami akong kaibigan na naririndi na siguro sa mga kwento kong walang katuturan. Kaya naisip kong mag-Blog wala man magbasa masabi ko man lang ang nais kong sabihin.
Naeenganyo ako sa mga Bloggers na kaya express ang mga saloobin nila, may masaya, malungkot, may nakakatakot, nakakainis, may ikapupulutan ng aral at may mga walang sense. Sa mga walang sense ata ako mapupunta hahaha.
Kaya eto nasimulan ko na, subok lang naman pero sana magtuloy tuloy at kung may makabasa nito salamat at nakuha ko ang konting oras mo.
God is good.
God is good.
Subscribe to:
Posts (Atom)