Nanaginip nanaman ako, pupunta daw ako sa libing at madami akong nakitang kamag-anak, ako ang magmamaneho ng sasakyan habang inaantay ko ang mga sasakay pinagmamasdan ko lang ang mga tao sumakay na ang aking mga pasahero ang Tatay ko, si Lola Paring at si Lola Luming, may iba pang kasama pero di ko kilala, paandar na kami ng mamataan ko pa sila Tito Boy at Tita Mila. Sabi ni Tatay alis na kami... nasa daan na kami ng malagpasan ko ang dapat na lilikuan ko, sabi sakin ni tatay wagka mag alala may alam akong daan. Nagiba ang scene nasa taas kami ng fly over at may pinahawak sha saking lubid tumingin ako sa baba parang malalim na tubig sabi ko natatakot ako tay sabi nya sha daw bahala sakin di daw nya ako bibitawan. Iniisip ko kaya ba nila lola ang gagawin ko kc matatanda na sila at bakit ako ang una? Tumalon na ko malapit na ko sa tubig nagising ako...
Ano ibig sabihin ng panaginip kong ito, alam ko sa isip ko na pupunta kaming libing, libing nino? at saan ako pupunta gamit ang lubid.
Lord help me.
No comments:
Post a Comment