Monday, November 22, 2010

May Bago

Nung isang gabi habang ako'y nag iinternet at kausap si Ian, biglan na lang ako napahiyaw dahil mag humawak sa gilid ng aking balikat akala ko si Ian subalit napakalayo nya sakin para ako'y maabot nya. Imahinasyon ko ba nanaman ito o totoo na.. pangalawang beses na nangyari ito at ngayon may kasama ako.Kinakabahan ako sa mga nangyayari di lang sa panaginip ako nagagambala.

At eto binangugot nanaman ako sumisigaw dahil nakikita ko si Ian na nag-iinternet pero meron shang Babaing katabi di ko man nakikita ang mukha pero naka blusa ang babae, pilit kong inaabot ang kamay ni Ian kaso di ko maabot nag wawala na ako para magising ako subalit di nanaman ako makagalaw, nanalanging magising di ko matapos ang akin dasal parang may pumupigildi umaalis ang babae sa gitna namin parang hinaharangan nya ako. Natatakot pero nilakasan ko ang akin loob pilit parin abutin ang kamay ni Ian ng maabot ko yun dulo lang ng daliri nya ang nahahawakan ko at di parin nya ako pinapansin alam kong tulog pa ko kaya pinilit ko ang ankin katawan na bumangon na hindi ko binibitawan ang kamay nya. Nagising ako na parang nalaglag sa hinihigaan at nilapitan ako ni Ian para ako'y gisingin, hinihingal sa kaba at nagpasalamat at nagising.

Natulog na may Rosaryong nakasukbit sa kamay akala ko tapos na di pa pala. Madilim ang paligid at di nanaman ako makagalaw wala akong makita di ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari pilit gumigising sumisigaw bakasakaling marinig kasabay ng  pagdarasal, Buti na lang umuungol na pala ako at nagising Ian para ako'y gisingin.

Hanggang kailan ako ganito di madalas na may kasama sa pagtulog, papano na ako pag ako'y nag iisa kakayanin ko ba? Dati nakakatulog na patay lahat ng ilaw at tahimik ang paligid, ngayon kailangan ng liwanag at ingay ng musika rosaryo sa kamay at dasal sa ilalim ng unan. Minsan di na epektibo ang mga ginagawa ko...

Lord thank you and give me more faith... Help me.

No comments:

Post a Comment