Tuesday, October 26, 2010

Tungkol sa Bangungot

May naniniwala bang may namamatay sa Bangungot? Sabagay may mga nakakapagkwento na sakin na namatay sa bangungot. Sabi nila mas madalas magyari ito sa mga lalaki at madalang lang sa babae. Noon ang matatanda pag binabangungot daw ang isang tao ay sinasaniban daw ito o kaya kinukuha ng kakaibang elemento ang kaluluwa at nauuwi sa pagkamatay. Sa siyensya naman sakit sa puso ang dahilan, may tawag pa sila sa sakit na ito SUDS ( Sudden Unexpected Death Syndrome) bawal matulog agad pagkatapos kumain, uminum ng maraming tubig bago matulog. At kung ano ano pang dapat gawin.

Nagtataka kayo siguro kung bakit ko nasulat ito, isa kasi ako sa madalas bangungutin sa di malaman dahilan. Mahirap kasi di mo alam kung magigising ka pa, nakakatakot din dahil wala kang magawa. Madalas kong ikwento sa pamilya't kaibigan ko ang nagyayari sa bangungot ko para maibsan man lang ang takot ko. Minsan nga ayoko matulog lalo na pag mag-isa. Iniisip ko na babangungutin nanaman ako. Wala rin pinipiling oras ang bangungot kasi kahit umaga, hapon o gabi nagyayari sakin yun. May kasama man ako o wala.

Pano nga ba malalaman kung binabangungot ka? Sakin kasi yung akala mong gising ka di na pala kasi kung ano ang pwesto mo sa pag kakahiga mo ng gising ka pa eh ganun din ang makikita mo sa bangungot. Ako alam ko na kung binabangungot na ko o hindi, madalas hindi ako makagalaw, at kahit anong sigaw mo walang nakakarinig sa iyo. Pag nagising ka akala mo napakahaba na ang naganap pero sa realidad eh minuto ka pa lang pala nakakatulog.

Medyo nakakatakot na sakin kc may mga nakikita ako kakaiba lalo na ang mga anino, di man maniwala ang iba ayos lang mashare ko lang sa inyo ang mga ito, anyway yung mga anino nga na nakikita ko, minsan humihila sa paa ko, nakadagan sa mukha ko, nasa kisame o kaya palakad lakad. Minsan din nakikita ko ang sarili ko na nakahiga, o kaya lumilipad ako kung saan at nasa ibang lugar.

Saka ko na ikwento ang mga bangungot ko napapatingin ako sa likod ko habang sinusulat ito eh...

Thank you for your time.

Lord help me.

2 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. agree po ako sa sinulat mo mga 15yrs old lng ako nung una qng na exp ang bangungot sa pag kaka alala q between 12midnyt-1am yung time na exp ko yan nung una takot na takot ako..yung pinaka nkita ko nsa room ko ako at nka higa sumisigaw ako pero walang boses na nalabas.ginagalaw ko ang katawan ko pero di ko magalaw at higit sa lahat may nakikita akong babae nka puti na kakaiba ang itsura na nka higa sakin at pinipilit nya kong pumikit pero ang ginawa ko humingi ako ng tulong sa ating dyos sa pamamagitan ng dasal at mamaya konti unti unti kong nagalaw ang katawan ko at nagising ako nung pag gising ko napikit pikit pa ko pero pinilit ko tlgang di ulit mka tulog..at simula noon parati ko na syang na e experience ngunit prang nasanay na din ako at alam ko kung binabangungot ako basta every time na bangungutin ka ALWAYS Lang tayong mag PRAY sa ating Dyos na si jesus christ

    ReplyDelete