Tuesday, October 26, 2010

Tungkol sa Bangungot

May naniniwala bang may namamatay sa Bangungot? Sabagay may mga nakakapagkwento na sakin na namatay sa bangungot. Sabi nila mas madalas magyari ito sa mga lalaki at madalang lang sa babae. Noon ang matatanda pag binabangungot daw ang isang tao ay sinasaniban daw ito o kaya kinukuha ng kakaibang elemento ang kaluluwa at nauuwi sa pagkamatay. Sa siyensya naman sakit sa puso ang dahilan, may tawag pa sila sa sakit na ito SUDS ( Sudden Unexpected Death Syndrome) bawal matulog agad pagkatapos kumain, uminum ng maraming tubig bago matulog. At kung ano ano pang dapat gawin.

Nagtataka kayo siguro kung bakit ko nasulat ito, isa kasi ako sa madalas bangungutin sa di malaman dahilan. Mahirap kasi di mo alam kung magigising ka pa, nakakatakot din dahil wala kang magawa. Madalas kong ikwento sa pamilya't kaibigan ko ang nagyayari sa bangungot ko para maibsan man lang ang takot ko. Minsan nga ayoko matulog lalo na pag mag-isa. Iniisip ko na babangungutin nanaman ako. Wala rin pinipiling oras ang bangungot kasi kahit umaga, hapon o gabi nagyayari sakin yun. May kasama man ako o wala.

Pano nga ba malalaman kung binabangungot ka? Sakin kasi yung akala mong gising ka di na pala kasi kung ano ang pwesto mo sa pag kakahiga mo ng gising ka pa eh ganun din ang makikita mo sa bangungot. Ako alam ko na kung binabangungot na ko o hindi, madalas hindi ako makagalaw, at kahit anong sigaw mo walang nakakarinig sa iyo. Pag nagising ka akala mo napakahaba na ang naganap pero sa realidad eh minuto ka pa lang pala nakakatulog.

Medyo nakakatakot na sakin kc may mga nakikita ako kakaiba lalo na ang mga anino, di man maniwala ang iba ayos lang mashare ko lang sa inyo ang mga ito, anyway yung mga anino nga na nakikita ko, minsan humihila sa paa ko, nakadagan sa mukha ko, nasa kisame o kaya palakad lakad. Minsan din nakikita ko ang sarili ko na nakahiga, o kaya lumilipad ako kung saan at nasa ibang lugar.

Saka ko na ikwento ang mga bangungot ko napapatingin ako sa likod ko habang sinusulat ito eh...

Thank you for your time.

Lord help me.

Subok

Sa gitna ng pagkabagot at pag titig sa kisame madaming sumagi sa isipan ko. Mga bagay at pangyayari sa buhay ko na gusto kong may pagsabihan. Oo madami akong kaibigan na naririndi na siguro sa mga kwento kong walang katuturan. Kaya naisip kong mag-Blog wala man magbasa masabi ko man lang ang nais kong sabihin. 

Naeenganyo ako sa mga Bloggers na kaya express ang mga saloobin nila, may masaya, malungkot, may nakakatakot, nakakainis, may ikapupulutan ng aral at may mga walang sense. Sa mga walang sense ata ako mapupunta hahaha. 

Kaya eto nasimulan ko na, subok lang naman pero sana magtuloy tuloy at kung may makabasa nito salamat at nakuha ko ang konting oras mo. 


God is good.